tumutulo ang gaas at pintura ng sabay...
punasan mo ang tulo...
ikuskos mo ulit, para magkakulay...
lumipat ang kulay sa basahan.
may mantsa ang basahan...
tumagos hanggang sa aking mga kamay...
ang amoy ng gaas at pintura at linseed oil ay naghalo...
naghalo sa aking malinis na kamay.
may amoy na ang aking kamay,
may amoy na ng pintura, gaas at linseed oil...
ano na ang nagyari sa kanbas...
kanbas na may tulo at napunasan ng basahang namantsahan...
gumanda!
nakabuo ako ng isang dibuho mula sa malinis kong kamay...
at nakabuo din ang nasabing pintura, gaas at linseed oil ng dibuho
papunta sa aking kamay...
may nabuong malupit na relasyon
ang kamay ko papunta sa kanbas...
sa pamamagitan ng gaas, pintura at linseed oil...
ang galing...
mula sa tulo...
papunta sa basahan...
tumagos...
bumalot sa aking mga kamay...
saya!








--
HUGO Create Graphic Contest Round 10 // Theme: SimpliCity // For more info & to participate, surf to [link]
--
Perdoname Mi Madre
--
--
Perdoname Mi Madre
--
Perdoname Mi Madre
--
Perdoname Mi Madre
Previous Page12345...Next Page